Archive for the gangster Category

TRIBU

Posted in Cinemalaya, digital film, gangster, indie films, Philippine Cinema on August 9, 2007 by leaflens

[FROM MY OLD MULTIPLY SITE]

originally posted at leaflens.blogspot.com

————-

TRIBU
d. jim libiran

Pitch: life of real-life gangsters in tondo portraying their lives, loves and death threats to the tune of improv slam-like freestyle old school rapping. yea boi!

catch: ano bang cam ang ginamit? sana mas maganda ang resolution. hey, even CITY OF GOD appeared real in its glossiness of rio de janeiro slums…

other that that, i like it! as in! biased lang ba ko dahil loves ko ang rap? hindi hiphop ha, kundi good ol’ fashioned old school rap, at slam freestyle pa. i loves dem tondo gangstas. hanef. alam naman nating may gangsta lyf na sa tondo at sa slum areas ng pinas noon pa, pero this one is relatively new because of the rap angle…unless you’ve seen my student she andes’ interesting short docu film called ESTROPA naginawa niya mga more than 3 sems ago na, na pinalabas sa abc-5 show na DOKYU kung saan producer si jim libiran… things that make me go hm… kasi it’s the same thrust.

pero dahil sa hindi ko alam ang tunay na history ng ek nila (unless they care to explain it), dededmahin ko na lang ang chenes na yun. okay lang itong film kasi wala siyang masyadong mataas na expectation na sine-set-up o binibigay o pinapangako sa viewers. simple lang siya. tondo plus gangs plus bad neighborhood equals drama, sex, fun, violence and death. all preconceived notions and predetermined fates. all we have to do is see how it unfolds this time. and it did unfold the way we were expecting it to — without pretensions, without hesitations, and with an uncanny sense of an insider guiding us all throughout its unfolding. kaya bet ko siya. hindi siya highbrow, hindi siya lowbrow. basta ayan lang siya sa gitna bro, hindi rin in your face pero hindi rin takot na nakadistansiya. kumbaga sa timpla, tamang tama lang. mainstream ba siya? hindi. hindi glossy e, kahit predictable ang plot. indie ba siya? oo, kasi neorealist ang casting, meaning non-actors, at saka maganda ang sandwich na ginawa niya sa narration ng bata sa umpisa at huli. nag-iiwan ng mark. yan ang sinasabing make or break ang ending. make siya, men. make na make. ayuz.

this is a film na pang-international. it’s a peek into the dirty side of manila and its people, a premise long often loved by westerners who want to take a look at the exotic locales and people of places that have been previously colonized by their forefathers. achieve! padala na to sa cannes. postcolonial reality at its simplest. but as for local viewing, unique lang yung rapping chenes. at hindi mo na ulit panonoorin. yung ganun ba. pero okay lang. at least naaliw ka ng isang oras mahigit, tapos kain ka na ng isaw sa labas…

word up.

Advertisements
%d bloggers like this: