Archive for January, 2013

MMFF 2012: Sisterakas

Posted in comedy film, MMFF, Philippine Cinema, Philippine film industry on January 13, 2013 by leaflens

SISTERAKAS (2012)

sisterakasd. Wenn Deramas

p. Star Cinema

c. Ai-Ai delas Alas, Vice Ganda, Kris Aquino

Pitch: Half-siblings get separated and lead different lives. They meet again as clashing adults. Tapos may isang entity na sumisingit sa kuwento na wala namang rele. Si Kris Aquino ‘yun.

Catch: Halatang tinipid ang prod, and of course if it’s from Direk Wenn, there must be a DJ Durano in here!!! Lech.

 

‘Yung wala naman talaga akong balak pag-aksayahan ng pera ang pelikulang walang kuwenta sa akin dahil sa mga past works ng mga involved dito. Ilang beses na ba naming inokray nirebyu ang mga pelikula ni direk Wenn? Na di ko na talaga alam kung ano pa ang mga katuturan ng ilan sa kanila. Heniwey tapos andyan pa si Kristeta na ang huli pa yatang good performance niya ever ay ang ummmm hmmmm FATIMA BUEN STORY? Pinanganak ka na ba nung pinalabas ‘yun? Ewan ko ba. Hayst.

Anyway wala akong choice kundi panoorin ito kasi andito si Ate Ai-Ai at si Vice. Na sila lang naman talaga ang tumawid ng kuwento dito, na medyo lame-o na rin naman. Kebs na sa pagka lame-o, kasi produkto na naman ito malamang ng Star Cinema kind of meddling the story brainstorming. Been there been that! But anyway, may saysay sana ang kuwento in fairness kung ginawa na nilang uber-camp sana ito. ‘Yung todo na sa pagkaka-satire sana sa kung anuman ang sina-satire sana nila dito. Ibig sabihin, sana tinodo na nila ang pagkaka-lampoon nila sa kulturang ito ng fashyown-fashyown, sa katatawanan o humor, at kung anupaman.

Eh ang kaso, wala, typical movie story lang ito of rags to riches kuning then ex-rags turned riches now fights ex-riches turned rags. Or something. Actually, ni hindi nga klaro kung bakit imbey ang character ni Vice sa character ni Ai–Ai, ‘yung exacting revenge type of imbey na dahil pinabayaan nito daw ang nanay ni Vice noong bata pa sila eh napilay and such. Whatevs! Hindi klaro ang mga motibasyon ng karakter na gawin ang mga ginagawa nila sa buhay teh. Wafung itey.

Pero mas wafung ang istilo ng pagpapatawa nila. Kadalasan, self-referencing na naman ang moda ng mga taga-Star kung magsulat ng script. Meaning kung di mo alam kung ano ang mga lintek na TV shows ng mga artistang ito, kung di ko alam ang mga latest commercials nila (lalo na ‘yang lintek na rubadabango potang ‘yan) at kung di mo alam ang latest chismax sa mga love life nila (lalo na ‘yang lintek na hiwalayang James Yap na ‘yan), hindi ka matatawa sa karamihan ng real-life references ng mga jokes sa pelikulang ito. Same old same old, Star. Chakaness.

Pero I swear, kung wala ang mga hirit-banat ni Vice dito, waley itong film na itich. ‘Yung mga one-liner hirit niya na tulad ng nasa PETRANG KABAYO dati, ganun. Lintek, nakakatawa!!! ‘Yun lang ang keri dito, saka ‘yung pagpapatawa din ni lola Ai-Ai mo. ‘Yun lang. Kaya ‘yung character ni Kris dito, puwede nang itapon. Palitan na lang ng iba, tipid pa sa TF.

Speaking of tipid, ito rin ang isang imbey sa production mismo. Halatang tinipid nila ito. As in haller, may isang eksena dito na ‘yung potangenang PE tshirt nina Daniel Padilla ay potangenang plain white shirt lang na potangenang dinikitan lang ng potangenang sticker(!!!) ng school logo. Potangenah!  Ginagago niyo ba kami!??! Halata siya!!! Tengeneng trabahong tamad.

sisterakas pe2

That stupid PE tshirt. Yes isyu sa ‘kin ‘yan!

Hay naku. Tapos may mga linya pang obvious na self-mocking ang Kristeta sa mga maraming bagay patungkol sa kanya. Di kinaya ng powers ko ‘yung unang bungad niya na parang “this is worse than a Kris Aquino horror film” ba ‘yun or something? Leche, self-deprecating humor doesn’t become her. Huwag na muling subukang sulatin; nakamamatay.

Ewan. Labo. Hayst buti na lang talaga andun ‘yung humor ni Vice Ganda. For that, naisalba. As for naitawid, o siya sige, highest grossing film siya chenes. Kayo na. Kung gagawa kayo ng sequel, utang na loob paki-chugi na ‘yung character na walang silbi.

At bumili ng totoong potangenang PE tshirt! Lech.

Next!

Advertisements

MMFF 2012: Thy Womb

Posted in drama film, MMFF, Philippine Cinema, women's issues in film on January 13, 2013 by leaflens

THY WOMB (2012)

thy womb poster2d. Brillante Mendoza

s. Henry Burgos

dop. Odyssey Flores

mscore. Teresa Barrozo

c. Nora Aunor, Bembol Roco, Lovi Poe, Mercedes Cabral

Pitch: In a Muslim community down south, an infertile wife agrees to find another wife for her husband so they could have a child in the house.

Catch: ‘Yun na ‘yun. Maniwala ka bang the pitch is also the catch? Basa kung bakit!

Kasi ganito ‘yun teh. ‘Yung pelikula, maganda. ‘Yung scenery lalo na. Tahimik lang siyang nilatag, imahe after imahe, na ipinapakita ang buhay ng isang particular na lugar na ito sa Muslim community somewhere in Mindanao. Culture kung culture spectacle teh. May pinakitang kasal ng isang lalaki at babae (si Mercedes Cabral the indie cutie) na kahit parang may pumipilit na suma-subplot na naghahabulang saglit na military vs. rebels chuva, kebs pa rin si ati at may-I-dance siya ng ritual dance ng kinasal, to the tune of that dayang dayang song na sikat ay may rele pala sa kanila doon.

Tahimik ding pinakita ‘yung buhay ng mag-asawang ginampanan ni Kuya Bembol at ni Ate Guy. Na gumagawa sila ng mga special colorful na banig tapos binebenta nila. May moments na ‘yun lang ang pinapakita, na naghahabi lang hibla by hibla si Ate Guy. Tapos si Kuya Bembol nagluluto at nagkukulay ng hibla. Tapos tahimik ding pinakita na minsan, fisherfolk sila. May maliit silang bangka na may motor tapos nangingisda sila sa vast Mindanao waters, na minsan may rebels at nahagingan sila ng baril tapos kinulimbat ‘yung fishes na nahuli nila. Ganun lang.

Tapos tahimik ding nag-usap ang mag-asawa na ‘yun nga, kumuha ng bagong asawa para maanakan ni Kuya Bembol. Nalulungkot kasi sila na walang bata sa bahay kaya naghanap sila ng bagong babaeng may silbi ang bahay-bata. Enter frame si Lovi Poe the mainstream cutie. Pinakita din dito ang struggle ng mag-asawa na mahanap ang perfect yet affordable next wife na afford nilang bayaran ang dowry. Ito interesting for me as a feminist. Mas mahal pala ang gelay kapag titulado at nakapag-kolehiyo. Parang 120,000 pesoses yata siya or something. Tapos may extra pa, mga tinapay saka magarang belo saka reams ng yosi para sa padir at madir ng gelay. Interesting makita ang kalakarang ito.

In fairness, sa kuwento, affordable ang byuti ni Lola Lovi. ‘Yun din pala, tahimik na pinakita kung paano nag-raise ng 80,000 pesoses yata or more ang mag-asawang mananahi ng banig at sometime fisherfolk para afford nilang bayaran ang Lola Lovi dowry. Kelangang ibenta ang motor ng boat at nag-pitch in ang community for fundraising. Pero may request ang lola, na pagkaanak niya, palayasin na daw ni Kuya si Ate sa balur at silang dalawa na lang ang magsasama. Yes, finally, conflict! Na dumating mga makalipas ang isang oras at kalahati ng katahimikang paglalahad ng mga imaheng kultural.

Tapos eto na, nang manganak na nga ang lola mo, si ati ang nagpaanak at pinutol pa ang umbilical cord at tinago for souvenir. Tapos tinitigan lang siya ni kuya at lola and then pagkaputol ng cord, BAM! Pinutol na rin ang pelikula, literal. Credits na. The end.

And I was like, Thy Whut???

Napaganun na lang ako. parang naglalatag pa lang ang kuwento, naglalatag pa lang ng istorya, parang ang mga pangyayari sa naratibo ay nagsisimula pa lang maging interesante pero malabong tinapos na ito ni Brillante. Kamusta naman. Sige, maganda ang katahimikan ng mga imahe, fine. Magaling ang pag-arte nilang lahat dito impernez, fine. Pero naman teh, asan ang script??? Asan ang laman ng istorya??? Naman eh. Nalurkey akey. Di ko knows kung ano naganap. Kaya ayun, bitin lola mo. Buti na lang at biased ako at naisalba ang mga oras ng katahimikan ng pelikulang ito sa pagtitig sa ganju mode ni Mercedes my crush at ng alindog-in-a-shawl mode ni Lovi my lust. Pramis ‘yun lang tumawid teh. Haynakuh beks di ka na natuto. Di ba ganitich din naman ang reak mo sa ibang pelikula ni koya BM? Oo ‘pag naiimbey ako I talk to myself, di ka kasali dito, beh.

thy womb lovi

Hay Lovi, why so pretty?

Hay nakuh. Sayang. Andun na sana e. Maganda na sana ‘yung mga katahimikang subtleties na sinusubukang isaksak ni direk sa pelikula. Pero walang direktang story consciousness ang pelikula. In short, wala kang masyadong kakapitan na kuwento. Scenery na lang, fine. Konting filmic nuances (esp. acting, cinematog) fine. Pero kuwento? Wiz! Balik sa workshop ‘yan. Now na.

Saka sana Tinagalog na lang nila ang titulo. Saka lost ako sa choice na “thy” kasi di ba associated itich sa Christian/Catholic writings? “Thy will be done/on earth as it is in heaven.” Um mga followers po ni Allah ang characters. May counterpart ba ang thy chuvaness sa Quran? Just wondering. Parang mali, eh. Maling-mali.

Hayst. Sayang. Wala, ang lola Mercedes at ang lola Lovi ay nasayang lang ditich. Anyway kebs, naka-rampage naman sila sa Venice Filmfest saka sa Cannes din yata. Hm bakit kaya nanalo ito sa Venice? Siguro relate ang judges dahil puro tubig ang nakikita dito sa film. Di ba Venice canals chorva mode? Wala lang, wafung na akiz. Naubusan ng popcorn.

Next!

%d bloggers like this: