muni muna
Iniisip ko kung gagawan ko ng review ang ALVIN AND THE CHIPMUNKS (THE SQUEAKQUEL) pero parang wala naman yatang masyadong makabuluhang masasabi tungkol sa pelikulang iyon. Unless makabuluhan sa inyo ang nag-cameo appearance doon si Charice Pempengco, ang wonder singer na youtube discovery ni Ellen Degeneres at pinasikat. Sabi ng girlfriend ko, ‘yung Jabbawockees (tama ba spelling?) andun din, sila ‘yung hottest dance group na pulos Asian-Americans ang halo, at may Pinoy din daw yata doon. Di ko sigurado kasi sa cable TV yata sila sumikat, e wala akong cable sa bahay mula nang lumipat na ako sa condo. Wala lang, ayoko lang. I can live without TV actually, but not movies, of course.
Hm siguro saka na lang si Alvin. Para kasing kung pagkain ang pelikula, potato chips lang sila. E ang gusto ko ngayon e medium-rare steak. So malabo. Hindi swak ang feel.
Gusto ko ring ituloy ang MMFF09 reviews ko pero parang gusto ko munang habulin ang dalawa pang pelikulang pinalabas ulit sa sinehan malapit sa amin, ‘yung dalawang drama na MANO PO at I LOVE YOU GOODBYE. Pero dahil wala dito ang aking constant movie date at umuwi sa prubinsiya, parang wala akong ganang manood muna mag-isa, kahit ginagawa ko naman talaga iyon.
Hm, daming isipin, ano? Kaya heto, pasado alas-dos ng umaga, gising pa.
Excited din kasi ako sa mga pinanood naming DVD kahapon, and THE PRODUCERS at MIRRORMASK. Ang galing ng disenyo ng huli at maganda ang script ng una. Natawa lang ako dahil sa Mel Brooks production pala ito, mula script, libretto at producing. Kaya pala parang may old-feel sa akin ‘yung humor na pamilyar na, na medyo may kalumaan na bahagya pero komportable pa rin at masaya, kasi nga Mel Brooks pala. Naalala ko tuloy ‘yung ginawa rin niya noon na A HISTORY OF THE WORLD PART 1 kung saan may Hitler-bashing din doon tulad sa THE PRODUCERS. Punyetang “Springtime of Hitler and Germany” na iyan hahaha namatay kami kakatawa. At si Uma Thurman! “Ulla belt now.”Gaga, bakit ngayon ko lang pinanood ito hahaha. Hangsayasaya.
Pero parang ayaw ko ring rebyuhin sila. Iniisip ko pa. Kung sa pagkain, ito kasi parang isaw at brownies. Pero nasa steak mode pa rin nga kasi ako kaya luz. Walang maa-achieve.
Sige sa susunod na lang.
