SISTERAKAS (2012)
p. Star Cinema
c. Ai-Ai delas Alas, Vice Ganda, Kris Aquino
Pitch: Half-siblings get separated and lead different lives. They meet again as clashing adults. Tapos may isang entity na sumisingit sa kuwento na wala namang rele. Si Kris Aquino ‘yun.
Catch: Halatang tinipid ang prod, and of course if it’s from Direk Wenn, there must be a DJ Durano in here!!! Lech.
‘Yung wala naman talaga akong balak pag-aksayahan ng pera ang pelikulang walang kuwenta sa akin dahil sa mga past works ng mga involved dito. Ilang beses na ba naming inokray nirebyu ang mga pelikula ni direk Wenn? Na di ko na talaga alam kung ano pa ang mga katuturan ng ilan sa kanila. Heniwey tapos andyan pa si Kristeta na ang huli pa yatang good performance niya ever ay ang ummmm hmmmm FATIMA BUEN STORY? Pinanganak ka na ba nung pinalabas ‘yun? Ewan ko ba. Hayst.
Anyway wala akong choice kundi panoorin ito kasi andito si Ate Ai-Ai at si Vice. Na sila lang naman talaga ang tumawid ng kuwento dito, na medyo lame-o na rin naman. Kebs na sa pagka lame-o, kasi produkto na naman ito malamang ng Star Cinema kind of meddling the story brainstorming. Been there been that! But anyway, may saysay sana ang kuwento in fairness kung ginawa na nilang uber-camp sana ito. ‘Yung todo na sa pagkaka-satire sana sa kung anuman ang sina-satire sana nila dito. Ibig sabihin, sana tinodo na nila ang pagkaka-lampoon nila sa kulturang ito ng fashyown-fashyown, sa katatawanan o humor, at kung anupaman.
Eh ang kaso, wala, typical movie story lang ito of rags to riches kuning then ex-rags turned riches now fights ex-riches turned rags. Or something. Actually, ni hindi nga klaro kung bakit imbey ang character ni Vice sa character ni Ai–Ai, ‘yung exacting revenge type of imbey na dahil pinabayaan nito daw ang nanay ni Vice noong bata pa sila eh napilay and such. Whatevs! Hindi klaro ang mga motibasyon ng karakter na gawin ang mga ginagawa nila sa buhay teh. Wafung itey.
Pero mas wafung ang istilo ng pagpapatawa nila. Kadalasan, self-referencing na naman ang moda ng mga taga-Star kung magsulat ng script. Meaning kung di mo alam kung ano ang mga lintek na TV shows ng mga artistang ito, kung di ko alam ang mga latest commercials nila (lalo na ‘yang lintek na rubadabango potang ‘yan) at kung di mo alam ang latest chismax sa mga love life nila (lalo na ‘yang lintek na hiwalayang James Yap na ‘yan), hindi ka matatawa sa karamihan ng real-life references ng mga jokes sa pelikulang ito. Same old same old, Star. Chakaness.
Pero I swear, kung wala ang mga hirit-banat ni Vice dito, waley itong film na itich. ‘Yung mga one-liner hirit niya na tulad ng nasa PETRANG KABAYO dati, ganun. Lintek, nakakatawa!!! ‘Yun lang ang keri dito, saka ‘yung pagpapatawa din ni lola Ai-Ai mo. ‘Yun lang. Kaya ‘yung character ni Kris dito, puwede nang itapon. Palitan na lang ng iba, tipid pa sa TF.
Speaking of tipid, ito rin ang isang imbey sa production mismo. Halatang tinipid nila ito. As in haller, may isang eksena dito na ‘yung potangenang PE tshirt nina Daniel Padilla ay potangenang plain white shirt lang na potangenang dinikitan lang ng potangenang sticker(!!!) ng school logo. Potangenah! Ginagago niyo ba kami!??! Halata siya!!! Tengeneng trabahong tamad.
Hay naku. Tapos may mga linya pang obvious na self-mocking ang Kristeta sa mga maraming bagay patungkol sa kanya. Di kinaya ng powers ko ‘yung unang bungad niya na parang “this is worse than a Kris Aquino horror film” ba ‘yun or something? Leche, self-deprecating humor doesn’t become her. Huwag na muling subukang sulatin; nakamamatay.
Ewan. Labo. Hayst buti na lang talaga andun ‘yung humor ni Vice Ganda. For that, naisalba. As for naitawid, o siya sige, highest grossing film siya chenes. Kayo na. Kung gagawa kayo ng sequel, utang na loob paki-chugi na ‘yung character na walang silbi.
At bumili ng totoong potangenang PE tshirt! Lech.
Next!









